I
Sa aking nanay at tatay,
Salamat po sa pag-gabay,
Simulang ako’y iluwal,
Nand’yan kayo’y nakabantay.
II
Lahat ng kailangan ko,
Ako’y suportado ninyo,
Pag-kain, mga damit ko,
Sa aki’y ibinigay ‘nyo.
III
Ngayong ako’y lumaki na,
Pagta-trabaho ay kayà,
Kayo’y mamahinga muna,
Sa gawaing pagsasaka,
IV
Ako ang gagawa n’yan,
Mag-araro’t magli-linang,
Magsu-suyod, magbubungkal,
Upang lupa’y ‘wag matingkal.
V
Dumoon kayo sa bahay,
At doon magpa-hingalay,
Upang katawang lupaypay,
Mapa-hinga sandali man.
VI
Salamat po nanay, tatay,
Utang na loob ko’y alay,
Lakas ko’t aking buhay,
Sa inyo ay aking alay.
Katha ni Reynaldo DC. Del Rosario
MNHS-MAPEH-MT-I