Sa pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa, mahigit limang daan taon na ang nakalilipas, dala nila ang mga makabagong istilo ng musika at uri ng instrumento, na sa kalaunan ay niyakap ng ating mga ninuno, dahil dito ay nagsimula ang ibang tunog ng musika na may roon tayo, ang musika na pang relihiyon at musikang pang kultura. Sa paglakad ng panahon ay naging moderno ang musikang nadidinig natin, na para bang mas pinapahalagahan pa ang kung anu ang bago dahil na rin siguro sa globalisyon.

          kaya bilang isang Pilipino, ay marapat na mas pahalagahan ang sariling atin, kumpara sa maka-kanluraning musika at galaw, tulad nga sa nangyari sa awit ni Ezmil na “PANALO” na tila ba hindi masyadong nabigyang halaga ang totoong laman ng kasaysayan, pangalawa ay ang mga ganitong uri ng musika ay panandalian lamang, hindi nagtatagal, magiging tophits o sikat ngayon, subalit pagka-ilang araw lang mapapalitan na ulit ng bagong musika.

          Mas mainam pa din ang importansya ng talagang sariling atin, musikang pinoy wika nga ng iba. Kaya ang tunog ng ating mga sariling katutubong instrumento at wangki ng ating musika ay dapat manatili at mabuhay sa pandinig ng mga kabataan, para ito ay kanilang mahalin din at maipasa sa mga darating na panahon, sa mga sisibol na bagong henerasyon ng ating bayan.

          Hindi ako tutol sa kung anong musika ang nakarating sa ating bayan para madinig gamit ang radio at telivison, subalit hindi dapat mas mamayani ang mga ito, kundi bagkus ay kapulutan ng kakaiba at para may mapaghambingan sa musikang atin at sa musikang banyaga.

Reynaldo DC. Del Rosario
MNHS-MAPEH-MT-I