“BAGUHAN”
Para sa katulad kong nagsisimula pa lamang,
Lahat ay parang bago at inaaral ang mga gawaing nakasalang,
Sinubukang dumaan sa mga rutang may hatid na kaalaman,
Na magbibigay gabay at tatag sa aking puso’t kaisipan.
Sa una’y palaging parang may kulang,
Nangangapa’t nagtatanong pero di naisip na tumigil at umayaw na lamang,
Ang sabi’y “maraming bagay ang dapat pagdaanan”,
Sa kanilang paggabay naramdaman na ako’y kabilang sa aming tinatawag na tahanan.
Patuloy na tatandaan at isasabuhay ang sinumpaan,
Isasapuso at laging magiging huwaran,
Ito ang mga bagay na aking panghahawakan,
Bilang isang kawani ng SDO Meycauayan.
Angie D. Sudario
Administrative Aide VI