I

Sa pagsilip ng haring araw tuwing umaga

Hatid nito’y saya at panibagong pag-asa

Babangon at maghahanda para sa mga bata

Bilang isang guro maglilingkod na masaya.

 

II

Mga gawain at paghahanda di alintana

Alinlangan at pandemya man di nagpahina

Patuloy na pinalalago ang kasanayan

Para sa bagong kakayahan at kaalaman.

 

III

Ang bawat araw sa loob ng silid aralan

Biyaya ng paglilingkod sa bata at bayan

Pagtuturo ng iba’t – ibang leksyon at aral

Sa puso ligaya ang hatid at pagmamahal.

 

IV

Bilang guro gagawa’t maglilingkod ng buong puso

Lalakipan ng pagmamahal ang bawat pagtuturo

Aalalayan ang mga mag-aaral para matuto

Nang sila’y maging matagumpay sa ano mang aspeto.

 

 

Abelardo III V. Oliva 
Guro II