I
Sa banal na kasulatan ay may utos,
Sa ating mga kabataan ang DIYOS,
Na tayo ay dapat at maging maayos,
Nang upang tayo ay huwag maghikahos.
II
Maging magalang tayo iyan ang dapat,
Simula nga ng tayo ay ipanganak,
Ang pag-galang ay siyang karapat-dapat,
Sa puso’t isip natin ay mailagak.
III
Ang pagiging magalang ay may biyaya,
Sabi sa Bibliya buhay ay hahaba,
Kung magulang nati’y hindi ikahiya,
Sa ati’y may nakahandang gamtimpala.
IV
Sa mundong ibabaw lalawig ang buhay,
Ng mga batang may mabuting asal,
Kaya itanim sa puso at isipan,
At huwag nating iwaksi ang pag-galang.
V
Ang “po at opo” ay huwag kalimutan,
Iyan ang sa ati’y pagkaka-kilanlan,
Ang pagiging magalang ay siyang tunay,
Ugali ng Pilipinong kabataan.
VI
Kaya ang kultura ay ating ingatan,
Pati ang “pagmamano” ay isabuhay,
Kulturang Pilipino ay ipagdangal,
Ito ang ating pagkakakilanlan.
Reynaldo DC. Del Rosario
MNHS-MAPEH-MT-I