I
Ang makita kong muli,
ay siya kong ngang nais,
ang malinis na ilog,
mga sapa at batis.
II
Makasakay sa balsa,
At sa bangkang may katig,
Ang mga bangkang papel,
ipaanod sa tubig.
III
Ang muling maihiga,
sa duyan ngang Abaca,
Makagamit ng Tyakad,
Upang ako’y manguna.
IV
Ang maglaro ng syato,
Tumbang baka at piko,
Umakyat sa palosebo,
Pati ang tumbang preso.
V.
Halina at balikan,
Ang ating kamusmusan,
Hindi sa kwento lamang,
O aklat matunghayan
VI
Kung hindi ang nais ko,
Muling makita ito,
At ang maranasan ko,
Kulturang Pilipino.
Reynaldo DC. Del Rosario
MNHS-MAPEH-MT-I