Ang paglilingkod sa gobyerno ay isang karangalan.
Kung saan madaming tao ang natutulungan.
Parang isang magulang na nais mapabuti ang kanilang mga anak.
Gayundin naman ang mga kawani ng gobyerno na kahit mapanganib ay tinatahak.
Parang isang panaginip ang nangyari sa akin,
Kailan lamang ako ay nangangarap na magserbisyo bilang isang kawani.
Ngayon ako’y naririto, katulad ng karamihan ay naglilingkod ng taos-puso.
At patuloy na magbibigay ng tapat at totoong serbisyo para sa kapakanan ng karamihan.
Sa aking sinumpaan, ako ay maglilingkod ng buong husay dahil ito ang tunay na kinakailangan ng ating mamamayan.
Ngunit, hindi pa dito natatapos ang aking pangarap sapagkat ang buhay ay patuloy tayong tinuturuan.
Ang nais ko ay maging mabuting ehemplo sa mga kapwa ko kawani ng gobyerno.
Ito ang aking sinumpaan at ito ang aking isasakatuparan.
Sa kabila ng problema at isyu ng katiwalian na pumipinsala lalong-lalo na sa kalidad ng serbisyo ng gobyerno, tayo ay patuloy na tinatawagan upang magtiwala na may mga kawani pa rin na tapat sa tungkulin.
Ako’y nandito, humihikayat sa kapwa ko kawani na gawin natin ang nararapat,
Pagsilbihan ang mga mamamayan ng tapat.
Pagmamalabis ay ating alisin sa ating puso at isipan,
Upang tayo ay patuloy na bigyang halaga at pagkatiwalaan.
AARON C. CANDELARIA
Administrative Assistant II