Marami ang lubos na naapektuhan sa ating kasalukuyang kinakaharap na pandemya hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo tulad ng pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan, kabuhayan pati na rin ang mga tao sa sanlibutan. Dahil sa kaganapang ito ay minabuti ng ating pamahalaan na ipasara at ipagpaliban muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at huwag lumabas ng ating bahay upang magkwarantin ng ilang buwan upang makaiwas at mabawasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating bansa.
Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap buhay ng mga tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya. Sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay mabilis na naibabalita o nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan tungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Dahil sa pag-iwas sa face-to-face at pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa pamamagitan ng internet, kompyuter o maging cellphone man ay ligtas at malayang nakakapag-usap ang mga tao. Sila rin ay nakakapag-oonline sa pagtitinda ng mga produkto, miting o webinar para sa mga empleyado at online distance learning para sa mga estudyante.
Ito ay ilan lamang sa pagpapatunay na ang teknolohiya ay malaki ang natitutulong sa atin ngayon sa gitna ng pandemya. Ganun pa man ay lagi rin nating tatandaan na ang labis na paggamit ng teknolohiya o kahit ano pa mang bagay ay maaaring magdulot nang masama at ikapahamak hindi lang ng ating sarili ngunit ng ating kapwa. Kaya ang payo ko sa inyong lahat, tayo ay maging wais sa paggamit nito upang ito ay makapagdulot sa atin nang mabuti at magawa o magampanan natin nang tama ang ating tungkulin sa tulong ng teknolohiya.